Walang Kapantay
@maribelalcantara
3 subscribers
Walang Kapantay
Song writer: Maribel Alcantara
Chapter: UK Chapter
07/12/2023
I
Nilikha Mo ang mundo mula sa kawalan
Ginawa Mo ang lahat na may pakinabang
Ikaw lamang Aba ang may kakayanan
Kapangyarihan Mo’y walang hangganan
II
Ang liwanag na sa ami’y tumatanglaw
Nagbibigay ng pag-asa at kalakasan
Ang dilim na hudyat ng kapahingahan
Para huminto ang pagod na katawan
Chorus:
Kahanga-hanga ang Iyong Pangalan
Ikaw ang simula at walang katapusan
Walang hanggan ang Iyong kapangyarihan
Kagilagilalas ang Iyong Pangalan
III
Mga puno, at makulay na mga bulaklak
Tunay na nakapapawi ng kalungkutan
Ang maamong tupa ay Iyong ibinigay
Upang sumalo sa aming mga kasalanan
IV
Tunay na Ikaw mahal na Haring Yahawah
Ang nag-iisang makapangyarihan
Walang kapantay ang Iyong karunungan
Ang kadakilaan Mo Aba ay tunay
Chorus:
Kahanga-hanga ang Iyong Pangalan
Ikaw ang simula at walang katapusan
Walang hanggan ang Iyong kapangyarihan
Kagilagilalas ang Iyong Pangalan
Ending
Kahanga-hanga ang Iyong Pangalan
Walang hanggan ang Iyong kapangyarihan
Repeat 2x
Comments (1)
Login to comment.
Yadah